Hungary tutulong sa handball program ng Pinas
MANILA, Philippines — Nakipag-usap si Philippine Sports Commissioner Charles Raymond Maxey sa mga opisyales ng Mi-nistry of Human Capacities ng Hungary para sa isang partnership sa ilalim ng naunang nilagdaang me-morandum of agreement noong Abril.
“They asked me if it’s possible Hungary can help in our handball program and I said, ‘yes of course.” ani Maxey matapos ang kanyang five-day visit sa Hungary kasama ang PH men’s beach handball team.
Gagawin ang debut ng handball sa 30th Southeast Asian Games na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
Ang indoor version ng handball ay isinama sa 24th SEA Games noong 2007 sa Nakhon Ratchasima, Thailand.
Matapos ang 12 taon ay ibabalik sa kalendaryo ng biennial event ang beach handball na idaraos sa Disyembre 7-11 sa Subic Bay International Tennis Center sa Olongapo, Zambales.
Isasabak ng bansa ang 12 players sa pamumuno ni Fil-Iranian goalkeeper Daryoush Zandi at gagabayan ni national coach Joanna Franquelli.
- Latest