^

PSN Palaro

Foton patatatagin ang kapit sa No. 3

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Foton patatatagin ang kapit sa No. 3
Magtatagpo ang Tornadoes at HD Spikers sa alas-4:15 na susundan ng duwelo ng Generika-Ayala at Sta. Lucia Realty sa alas-7 ng gabi.
facebook

MANILA, Philippines — Patatatagin ng Foton Tornadoes ang kapit sa ikatlong puwesto sa pagsagupa nito sa Cignal HD sa pagpapatuloy ng Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Magtatagpo ang Tornadoes at HD Spikers sa alas-4:15 na susundan ng duwelo ng Generika-Ayala at Sta. Lucia Realty sa alas-7 ng gabi.

Nakahimpil sa No. 3 ang Foton tangan ang 7-4 baraha sa likod ng na­ngungunang F2 Logistics na may malinis na 11-0 at nagdedepensang Petron na may hawak na 10-1 kartada.

Nais ng Tornadoes na maulit ang kanilang 25-27, 25-23, 25-20, 25-19 panalo sa HD Spikers sa first round ng eliminasyon noong Hulyo 9.

Bumida sa naturang laro ang magkapatid na sina Jaja Santiago at Dindin Manabat na may pinagsamang 48 puntos.

Maliban kina Santiago at Manabat, aasahan din ng Foton sina Elaine Kasilag, Shaya Adorador, Maika Ortiz at Marian Buitre.

Desidido naman ang Cignal na makaresbak upang mapaganda ang kanilang 5-5 marka.

“I’m excited for our match up against Foton because they beat us in the first round. We prepared well for this game,” ani Cignal head coach Edgar Barroga.

Kukuha ng lakas ang HD Spikers kina Rachel Anne Daquis, Jovelyn Gonzaga at Mylene Paat kasama si Filipino-American playmaker Alohi Robins-Hardy.

Galing ang Cignal sa 25-20, 25-15, 24-26, 27-25 panalo sa Marinerang Pilipina noong nakaraang linggo.

FOTON TORNADOES

PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with