^

PSN Palaro

Folayang determinado laban kay ex-UFC champ Eddie Alvarez

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Ganado si dating ONE lightweight champion Eduard Folayang na manaig laban sa beteranong mixed martial artist at dating Ultimate Fighting Championship lightweight champion na si Eddie Alvarez sa Biyernes.

"Oo naman, motivated ako. Hindi lang naman 'yung kung bakit naging champion siya at bakit naging champion ako, kundi 'yung opportunity na maglalaban kami," sabi niya sa isang panayam sa press conference ng ONE: Dawn of Heroes Miyerkules.

Bahagi ng semifinals para sa ONE Lightweight World Grand Prix, sinabi ni Folayang na nasasabik na siyang pagharapin ang magkaibang estilo nila mula silangan at kanluran.

"After my loss, I studied my opponent. Of course, I lost via submission last time. And I keep on improving on that aspect. But Eddie's more of a stand up fighter, so I also put on a lot of time improving my skill as a stand up fighter," dagdag ni Folayang.

Umaasa sina Folayang at Alvarez na makabawi sa win record matapos parehong matalo sa mga huli nilang laban.

Naniniwala rin ang Baguio-based fighter na hindi siya bibigyan ng madaling laban ni Alvarez.

"For sure, ibibigay ko 'yung 100% ko going into that ring, and I also expect that from him," sabi niya.

"Hindi ko ine-expect na magiging loose siya rito eh. Siguro on his first fight, naging kampante siya masyado. Pero this time, I know naramdaman niya paano makipag-compete sa ONE Championship athletes. For sure, he really prepared for this fight."

Sa kabila ng lahat, nanindigan si Folayang na isa pa rin siya sa pinakamahusay na fighther sa buong lightweight division.

Nakaraang talo 'napalaya' raw si Alvarez

Bilang tugon, kumpiyansa naman si Alvarez na sabihing mas mahusay siya sa lahat ng aspeto ng pakikipaglaban kaysa sa makakatunggali.

"I could do an MMA longer than anybody in this whole card. I am the better fighter by far. I can go to many places for a longer period of time than anyone," sabi niya sa panayam matapos ang press conference.

"If we made this a wushu fight, Eduard would probably win. It's not a wushu fight, this is MMA."

Ilan sa mga tinitignan niyang diskarte upang matalo si Eduard ay ang kanyang ground-game at boxing.

"He's got great kicks, great spins and good surprise attacks, but I'm a better boxer, I'm a better wrestler, I'm a better mixed-martial artist," sabi pa niya.

Sa ngayon, naka-focus lang daw si Alvarez sa pakikipaglaban sa "highest level" hanggang makabalik sa title picture.

Tila blessing in disguise din daw ang kanyang huling pagkatalo sabi niya, lalo na't nabigyan daw siya nito ng panibagong apoy para patunayan ang sarili.

"I've been doing it 16 years. So I think it's important to have something new happen. And sometimes, losing is new. And it puts a fire in your belly and gets you to change, make the proper changes."

Parehong naniniwala sina Folayang at Alvarez na magkakaroon ng decisive winner sa pagitan nila sa pamamagitan ng knockout o submission sa ika-2 ng Agosto.

Maliban sa kanilang laban, mangyayari rin ang 14 pang sagupan na pinakamalaking card sa kasaysayan ng ONE sa Pilipinas.

DAWN OF HEROES

EDDIE ALVAREZ

EDUARD FOLAYANG

MIXED MARTIAL ARTS

ONE CHAMPIONSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with