Blazers umeskapo sa Stags, sosyo sa itaas
Laro Bukas(JRU Gymnasium, Mandaluyong City)
2 p.m. JRU vs. EAC (Jrs)
4 p.m. JRU vs EAC (Srs)
MANILA, Philippines — Napanatili ng St. Benilde Blazers ang malinis na kartada matapos magwagi laban sa San Sebastian Stags, 77-72 habang kumonekta si Bonbon Batiller ng triple sa krusyal stretch upang iangat ang Letran Knights sa 89-84 panalo kontra sa Mapua Cardinals kahapon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.
Sa kanilang panalo, nasungkit ng Blazers ang kanilang ika-apat na sunod panalo at muling umakyat sa top spot kasama ang three-peat champion San Beda Red Lions sa parehong 4-0 win-loss slate.
Umani si Unique Naboa ng 15 puntos, apat na rebounds, dalawang assists at dalawang steals para biguin ang Stags na nahulog sa 2-3 slate.
Sa ibang laro, matapos maibaba ng Cardinals ang agwat, 84-86 napanatili ni Batiller ang kanyang komposyur at umiskor mula sa three-point zone para ilayo ang Knights mahigit 33.9 segundo na lamang ang natitira.
Sa kanilang panalo, muling nasolo ng Letran ang ikatlong puwesto sa 5-1 win-loss kartada sa likuran ng Red Lions at Blazers.
Samantala, sa ikalawang laro umiskor si Edgar Charcos ng looper mahigit 3.4 segundo pa ang natitira para maka-eskapo ang Perpetual Help Altas kontra sa Arellano Chiefs, 75-73 at makopo ang ikalawang panalo sa limang laro.
Tabla pa ang laro, 73-73 ng matanggap ni Charcos ang bola at humataw ng drive para sa malaking panalo ng Altas.
May sapat pang oras para sa Arellano, ngunit sinupalpal ni Kim Aurin si Renze Alcoriza sa huling tira para itakas ang panalo.
Sa juniors division, pumasok na rin sa win column ang Mapua Red Robins nang maka-eskapo sa Letran Squires, 92-90.
- Latest