Iwas disgrasya na lang kay Meijers
Coyle sa stage 4
LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Kung walang anumang masamang mangyayari ay tuluyan nang makokopo ni Taiyuan Migoee Cycling Team top rider Jeroen Meijers ang korona ng 2019 Le Tour De Filipinas.
Sa Stage Four 176-kilometer race kahapon ay nagposte si Meijers ng aggregate time na 17:03.19 para patuloy na isuot ang purple jersey bilang simbolo ng paghawak sa liderato ng individual general classification.
“Hopefully, I can keep it up against these strong filed,” wika ng 26-anyos na Dutch cyclist na naghari sa Stage One 129.5 kms. sa Tagaytay City.
Nasa likuran ni Meijers sina Choon Huat Goh (17:04.04) ng Terengganu Cycling Team, Angus Lyons (17:04.57) ng Oliver’s Real Food Racing, Daniel Habtemichael (17:05.32) ng 7-Eleven Cliqq-Air21, Sandy Nur Hasan (17:05.44) at Aiman Cahyadi (17:05.51) ng PGN Road Cycling.
Tanging si Felipe Marcelo ng 7-Eleven Cliqq-Air21 ang Pinoy rider na napasama sa Top 10 ng general classification sa kanyang oras na 17:05.55 para upuan ang No. 10.
Samantala, pinagharian naman ni Jesse Coyle ng Team Nero Bianchi ang Stage Four sa kanyang bilis na 4:28.41 para sa una niyang panalo sa isang UCI-sanctioned race.
Tinalo ni Coyle sina Muhammad Shaiful Adian Mohd Shukri (4:28.41) at Stage Two winner Mario Vogt (4:29.13) ng Team Sapura Cycling, Mohd Zamri Saleh (4:29.13) ng Terengganu Cycling Team, Jamalidin Novardianto (4:29.13) ng PGN Road Cycling, Warut Paekrathok (4:29.13) at Setthawut Yordsuwan (4:29.13) ng Thailand National Team.
- Latest