Manila Bay Clean Up Run registration nagsimula na
MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Manila Broadcasting Company ang pagpaparehistro para sa ikaanim na Manila Bay Clean Up Run na gaganapin sa July 7.
Ito ay bukas sa lahat ng interesadong tumakbo sa 3K, 5K, 10K at 21K dibisyon na panlalaki at pambabae.
Magkakamit ng medalya at cash prizes ang magwawagi sa bawat kategorya.
Maaari nang magpalista sa MBC lobby, Sotto Street, CCP Complex, Pasay City mula Lunes hanggang Linggo mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Bukas na rin ang registration sa Olympic Village branches sa Robinsons Forum, Festival Mall at Farmers Plaza mula Martes hanggang Linggo ng alas-12 ng tanghali hanggang alas-6 ng gabi.
Ang huling araw ng pagpapatala ay sa Hunyo 30.
Ang funrun ay isa lamang sa mga proyektong nakakapag-ambag ng pondong kailangan sa pagpapatupad ng programa sa paglilinis ng Manila Bay.
Patuloy na tumutugon ang MBC at iba pang mga establisimiyento sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa panawagan ng Land Bank na maibsan ang basura at linisin hindi lamang ang karagatan kundi maging mga ilog, estero at iba pa’ng maliliit na daluyan ng tubig na karugtong nito.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Manila Bay Clean Up Run ay maaaring tawagan ang Runners Link sa 0926.205.2787.
- Latest