^

PSN Palaro

Pinoy, ex-WWE cruiserweight champ na si TJP balik Impact Wrestling

James Relativo - Philstar.com
Pinoy, ex-WWE cruiserweight champ na si TJP balik Impact Wrestling
Huling nakita sa Impact Wrestling, na dating TNA, si Perkins sa katauhan ni "Manik" taong 2016.
Video grab mula sa Youtube channel ng WWE

MANILA, Philippines — Nagbabalik sa squared circle ng Impact Wrestling ang inaugural World Wrestling Entertainment cruiserweight champion na si TJ Perkins.

Sa katatapos lang na television taping sa New York, napabalitang ikinatuwa ng fans ang pagbabalik ng "Fil-Am Flash" matapos makaharap si Austin Ace.

Una nang naiulat na nasa backstage ng kumpanya si Perkins na tanda ng kanyang pagbabalik.

Huling nakita sa Impact Wrestling, na dating TNA, si Perkins sa katauhan ni "Manik" taong 2016.

Bago dumating ang All Elite Wresling, kilala ang Impact bilang pangunahing karibal na kumpanya ng WWE sa mundo.

Matatandaang napagtagumpayan ni Perkins noong ika-14 ng Setyembre ang WWE Cruiserweight Classic na nilahukan ng 32 wrestlers na saklaw ng 205-pound weight limit.

 

 

Dahil dito, siya ang unang naging WWE cruiserweight champion matapos uli buhayin ang division.

Si Perkins rin ang unang naging mukha ng 205 Live, na sariling brand na inilaan ng WWE para sa mas maliliit at maliliksing wrestlers.

Naputol ang kanyang pagtratrabaho sa numero unong wrestling company sa mundo nang ianunsyo nitong Pebrero ang kanyang paglisan.

vuukle comment

IMPACT WRESTLING

TJ PERKINS

TJP

WORLD WRESTLING ENTERTAINMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with