Petron mahihirapang idepensa ang titulo—Shaq
MANILA, Philippines — Maraming lumakas na koponan at may isang bagito na hindi dapat balewalain ang kakayahan.
Sinabi kahapon ni head coach Shaq Delos Santos ng nagdedepensang Petron na hindi sila maaaring magkumpiyansa sa darating na 2019 Philippine Superliga All-Filipino na papalo sa Hunyo 15 sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.
“I think it’s possible for us to be dethroned this conference. All teams are strong and it’s really hard to tell if we can keep our place on top,” wika ni Delos Santos sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na inihandog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Philippine Amusement and Gaming Corp (PAGCOR).
Ang mga inaasahang magbibigay ng magandang laban sa Petron ay ang Cignal, F2 Logistics at Foton at maski ang bagitong Marinerang Pilipina.
Hinugot ng HD Spikers si Filipino-American playmaker Alohi Robins-Hardy habang wala namang nabago sa Cargo Movers.
Muling maglalaro para sa Petron sina Sisi Rondina, Buding Duremdes at Chin Basas.
Maglalaro naman para sa Tornadoes si University of Santo Tomas ace Eya Laure at sina collegiate standouts Laizah Bendong ng University of the East at Arianne Layug, Justine Dorog at Marianne Buitre ng University of the Philippines para makatulong ng nagbabalik na si star spiker EJ Laure.
- Latest