^

PSN Palaro

Dillinger sa Ginebra tatapusin ang career

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Dillinger sa Ginebra tatapusin ang career
Ito matapos ilagay ng Meralco ang 35-anyos na si Dillinger sa unrestricted free agent list na siyang sinamantala ng Gin Kings para makuha ang Fil-Hawaiian.

MANILA, Philippines — Sa Barangay Ginebra na marahil tatapusin ni ve­teran guard Jared Dillinger ang kanyang PBA career.

Ito matapos ilagay ng Meralco ang 35-anyos na si Dillinger sa unrestricted free agent list na siyang sinamantala ng Gin Kings para makuha ang Fil-Hawaiian.

Naglaro ang 6-foot-4 swingman ng 11 taon sa PBA para sa TNT Katropa at Meralco at nagposte ng mga averages na 7.8 points, 5.2 rebounds at 1.2 assists per game sa nakaraang 2019 PBA Phi­lippine Cup.

Napanood si Dillinger sa limang laro ng Bolts sa nasabing torneo, ngunit hindi na isinama sa line-up para sa 2019 PBA Commissioner's Cup.

Samantala, pinatawan naman ng PBA si Magnolia governor Rene Pardo ng multang P50,000 dahil sa pagkakasangkot niya sa paglusob ni 'Spiderman' sa Game Five ng 2019 PBA Philippine Cup Finals sa pagitan ng Hotshots at nagkampeong San Miguel Beermen.

Nakita sa video ang pananakit ni Pardo sa sinasabing kasama ni Paolo Felizarta, nagsuot ng costume ni 'Spiderman', habang inilalabas sa Smart Araneta Coliseum.

Nauna nang pinagbayad sina Ronald Tubid at Kelly Nabong ng San Miguel ng tig-P75,000 bukod pa sa three-game suspension dahil sa nasabing insidente.

JARED DILLINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->