Pinoy riders kayang lumaban sa titulo ng 10th Le Tour de Filipinas
MANILA, Philippines — Sa kabila ng paglahok ng 11 foreign teams ay kumpiyansa ang apat na local squads na isang Filipino cyclist ang muling magkakampeon sa darating na 10th Le Tour de Filipinas.
“We have a very very good chance,” sabi kahapon ni team manager Rick Rodriguez ng 7-11 Roadbike Philippines na muling pamumunuan ni El Joshua Cariño na naghari noong nakaraang Le Tour de Filipinas. “Maybe 70 percent a Filipino will win the nurse.”
Si Cariño ang ikatlong Filipino champion ng nasabing International Cycling Union race matapos sina Baler Ravina (2012) at Mark John Lexer Galedo (2014).
“We will be more prepared for this event. Naniniwala ako na maganda ang tsansa nating manalo,” wika naman ni Reinhardt Gorrantes, ang head coach ng national team na binubuo ng mga Philippine Navy-Standard Insurance riders.
Ang dalawa pang local teams na papadyak sa Le Tour de Filipinas ay ang Go For Gold (continental) at Bike X Philippines.
“The Le Tour de Filipinas continues it’s advocacy in promoting international peace, goodwill, health, tourism and environment,” sabi ni Le Tour de Filipinas chairman Donna May Lina.
Pakakawalan ang Stage One sa Hunyo 14 sa pamamagitan ng 129.5-kilometer race sa Tagaytay City kasunod ang 194.9-kilometer Stage Two sa Hunyo 15 mula Pagbilao, Quezon hanggang Daet, Camarines Norte.
Ang Stage Three sa Hunyo 16 ay isang 183.7 kilometer race mula sa Daet patungong Legazpi City na susundan ng Stage Four na 176 kilometers buhat sa Legazpi City via Sorsogon at Gubat pabalik sa Albay capital. Ang Stage Five ay 145.8 kilometer race sa Donsol sa Sorsogon.
- Latest