Pinoy riders masusukat ang katatagan ng binti sa 10th Le Tour de Filipinas
MANILA, Philippines — Mas mabilis at mas mahirap na daanan ang tatahakin ng mga siklista sa five-stage 10th Le Tour de Filipinas na lalarga sa Hunyo 14 hanggang 18.
Ito ang obserbasyon ng National team coaches na sina Reinhardt Gorrantes at Ednalyn Hualda sa nasabing 822.20-kms. route mula Tagaytay City hanggang sa Legazpi City, Albay.
Hindi lamang umano bagay para sa mga sprinters at mga climbers ang naturang daanan kundi sa mga siklista na malalakas sa parehong terrain, ayon sa dalawang coaches.
“There are mountain passes in the race but let us not forget that the middle stages which are almost all flat with a slightly reclining gradient,” sabi ni Gorrantes, ang head coach ng Philippine National Team na binubuo ng mga riders ng Philippine Navy-Standard Insurance.
Sinang-ayunan naman ni Hualda ang obserbasyon ni Gorrantes dahil ayon sa kanya mayroon ding mahihirap na akyatan sa Stage 1 at Stage 5, ngunit bukod doon ang mahabang Stage 1, 2 at 3 ay pabilisan naman kaya maigi sa mga siklista ang tactical riding sa limang araw na karera na ini-organisa ng Ube Media Inc. na nagdiwang ngayon ng ika-sampung anibersaryo.
Ang Le Tour ay magsisimula sa Hunyo 14 sa 129.50-km Stage 1 sa loob at labas ng Tagaytay City at susundan ng 194.90-km Stage Two sa Hunyo 15 mula Pagbilao, Quezon hanggang sa Daet, Camarines, Norte.
Sasabak naman ang mga riders sa mahabang 183.70-kms sa Stage 3 sa Hunyo 16 mula Daet hanggang sa Legazpi City at ang Stage Four ay ang 176.00-kms mula Legazpi City via Sorsogon at Gubat at pabalilk sa Albay capital.
Matatapos ang UCI-sanctioned Le Tour 2019 sa 145.80-kms. Stage 5 sa Legazpi City via Donsol, Sorsogon para sa krusyal na araw sa rolling hills at malalakas na hangin.
- Latest