PLDT inangkin ang bronze
Laro Bukas (The Arena)
7pm F2 vs Petron
MANILA, Philippines — Naitakas ng PLDT Home Fibr ang pahirapang 25-19, 25-18, 20-25, 20-25, 19-17 panalo laban sa Cignal HD para masikwat ang bronze medal sa 2019 Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Kumuha ng matinding puwersa ang Power Hitters kina American outside hitter Kendra Dahlke at middle blocker Grace La-zard upang pamunuan ang tropa sa attack line tungo sa matamis na podium finish.
“It feels awesome especially that it took our whole team to win the match. It’s exactly what we are pu-shing for the whole season for the whole team to be good. We had ups and downs in that match but in the end we pulled it together,” ani Dahlke.
Nagrehistro si Dahlke ng 27 puntos mula sa 24 attacks, dalawang blocks at isang ace para manduhan ang Power Hitters sa larong tumagal ng mahigit dalawang oras.
Malaki ang kontribusyong ibinigay ng local players ng Power Hitters partikular na sina wing spikers Aiko Urdas at Grethcel Soltones gayundin ni libero Lizlee Anne Gata-Pantone na siyang sumasalo sa matatalim na atake ng HD Spikers.
Napantayan ng PLDT ang third-place finish nito noong 2013 sa Grand Prix Conference at All-Filipino Conference noong 2014.
Samantala, naglalaro pa ang reigning champion Petron at F2 Logistics sa Game 1 ng best-of-three championship series habang sinusulat ang balitang ito.
- Latest