Balibagan: Resulta't kaganapan sa MWF 7 Kasaysayan
MANILA, Philippines — Nagbalik nitong Sabado ang "nag-iisang LIVE AksyonNovela" sa una nitong event ngayong taon sa Mandala Park, Mandaluyong City.
Dito, matagumpay na nadepensahan ni Robin Sane ang kanyang Manila Wrestling Federation championship title kontra Rex Lawin nang ibato ni Gus Queens ang tuwalya.
Sinimulan ng "MWF 7: Kasaysayan 2019" ang ikalawang taon ng promotion, na isa sa dalawang aktibong kumpanya ng wrestling sa bansa kasama ang Philippine Wrestling Revolution.
Main show
-
Khayl Sison wagi kay Fabio Makisig via Armbar submission
-
"Unknown Wrestler in Red" wagi kay "Unknown Wrestler in White" via pinfall (Schoolboy, hinila ang trunks)
-
Youngblxxd (Frankie Thurteen at Morgan Vaughn) panalo kontra Ang Bahay ng Liwanag (Moises Liwanag at Brother Jomar) via pinfall, Gigz Stryker nag-interfere
-
Mr. Lucha wagi kay Luchadonna
-
Robin Sane wagi kay Rex Lawin via corner stoppage, Gus Queens ibinato ang towel
Highlights at nalalapit na 'eleksyon'
Matapos ang opening contest nina Sison at Makisig, inatake ni Rex Lawin si Fabio bilang ganti sa kanyang interference sa semi-final match nila ni Robin Sane para sa MWF Championship tournament.
Nagulat ang fans nang biglang mag-to-the-rescue si Sison sa kanyang nakatunggali.
Simula na kaya ito ng pakikipag-alyansa ng dalawa?
Sinugod ni Rex Lawin si Makisig matapos ang laban nila ni Sison bilang pagganti sa interference ni Fabio sa semi-final match nina Lawin at Robin Sane para sa MWF Championship tournament. Tinulungan ni Sison si Fabio. @PhilstarNews @PilStarNgayon #MWF #FilipinoWrestling pic.twitter.com/khw6R5GP1e
— James Relativo (@james_relativo) April 13, 2019
Hindi nakuntento sa inabot ni Lawin, inatake din siya nina Ashura at Youngblxxd bilang ganti sa dating pag-injure niya sa braso ni Thurteen.
Samantala, tinangka naman ni Gus Queens na bilhin ang boto nina Mr. Lucha at kampeon na si Robin Sane.
Kumakandidato kasi si Queens bilang bagong commissioner ng MWF laban sa incumbent official na si Mike Shannon. Nabigo siya sa kanyang ginawa.
Nabigyan din ng pagkakataon ang mga bagong "graduate" ng MWF Factory na ipakita ang kanilang kakayahan sa squared circle.
Nagbabalik naman sa ManilaVerse ang karismatikong "Appointed Son of Light" na si Moises Liwanag matapos mawala nang matagal na panahon mula sa MWF.
Mainit na pagsalubong ang inihatid ng fans sa kanilang dalawa ni Brother Jomar Liwanag.
Sinalubong naman ng mainit na suporta ng mga “Kapafeds” sina Liwanag at Joemar (Ang Bahay ng Liwanag). @PilStarNgayon @PhilstarNews #MWF #FilipinoWrestling pic.twitter.com/NPEgOcMlKO
— James Relativo (@james_relativo) April 13, 2019
Inilahad naman ni MWF Senior Analyst Tarek El Tayech ang pagdating ni World Wrestling Entertainment at Extreme Championship Wrestling legend Tajiri sa kumpanya sa darating na ika-18 ng Mayo. Inihayag din sa isang video package ang pagtalon ni Kanto Terror mula PWR patungong MWF.
May 18. 2019. Tajiri comes to MWF. Also free! #MWF8 pic.twitter.com/EA38vnaQHb
— MartinV (@THE_MartinV) April 13, 2019
Muli namang napa-wow ni Sane ang crowd sa kanyang high flying at high risk offense, laban sa brutal strikes at grappling game ni Rex.
Panalo kahit duguan
Bagama't napanatili ni Robin ang kanyang belt, tinapos niya ang laban nang duguan matapos ma-powerbomb ni Rex sa ring apron.
Ang apron ang pinakamatigas na bahagi ng ring kung saan nagtatagpo ang kahoy at bakal.
Duguan ang ulo ni Robin Sane matapos makatanggap ng Powerbomb sa ring apron. Natahimik ang crowd sa peligro ng sitwasyon. @PilStarNgayon @PhilstarNews #MWF #FilipinoWrestling pic.twitter.com/OnR0LsJ6IE
— James Relativo (@james_relativo) April 14, 2019
"No matter how mediocre this sounds, please don't try this at home," paalala ni Sane sa publiko sa panayam ng PSN.
"[O]f course, no matter how professional you are, even if you're an athlete, even if you're a professional bodybuilder, of course a professional wrestler, hindi maiiwasan yung mga accidents, yung mga dangers."
Paliwanag naman niya, malaki ang naitulong ng suporta ng mga bata kung kaya't hindi niya ininda at naramdaman ang kirot.
Taliwas sa payo ng MWF officials na itigil ang kanilang laban, itinuloy pa rin ndaw niya ito upang mapatunayang fighting champion siya.
"I'm not called 'The Daredevil himself' without a reason. And for one, I am the MWF champion. I am the PH Wrestling champion. So, if hahayaan ko na tumigil yung match just because of something like that, what am I?"
Alam din daw niya na pinaghirapan ni Rex Lawin ang pag-eensayo at pakikipagbuno kung kaya'y 'di niya nagawang sumuko.
Robin Sane, unang MWF champion
- Latest