^

PSN Palaro

Lady Maroons, Tams pukpukan sa No. 3

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Lady Maroons, Tams  pukpukan sa No. 3
Nagsosyo sa three-way tie sa ikatlong puwesto ang Lady Tamaraws at Lady Maroons kasama ang UST Tigresses sa parehong 6-4 win-loss kartada sa likuran ng solo leader Ateneo Lady Eagles (9-1) at three-peat champion DLSU Lady Spikers (7-3).

MANILA, Philippines — Kapwa asam ng UP Lady Maroons at FEU  Lady Tamaraws na manatili sa ikatlong puwesto sa kanilang paghaharap ngayon habang hangad din ng UST Tigresses ang pang-pitong panalo kontra sa UE Lady Warriors sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP volleyball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsosyo sa three-way tie sa ikatlong puwesto ang Lady Tamaraws at Lady Maroons kasama ang UST Tigresses sa parehong 6-4 win-loss kartada sa likuran ng solo leader Ateneo Lady Eagles (9-1) at three-peat champion DLSU Lady Spikers (7-3).

Ang magwawagi sa pagitan ng Lady Tams at Lady Maroons ay mana­natili sa ikatlong puwesto kasama ang UST T­igresses kung mananalo ito laban sa UE Lady Warriors sa ibang laro.

Haharapin ng Lady Maroons ang Lady Tamaraws sa alas-4 ng hapon habang ang Tigresses at Lady Warriors ay magtatagpo sa alas-2 ng hapon.

Inaasahan ding magla­laro na si Isa Molde mula sa injury upang tulungan ang koponan matapos dumaan sa butas ng karayom bago nagwagi laban sa Lady Warriors, 3-2 noong Miyerkules.

Tinalo ng UP ang FEU sa four-sets, 25-18, 20-25, 25-22, 25-20 sa first round ng elims noong Pebrero 20 kaya gusto rin ng Morayta-based team na gumanti.

Target naman ng A­damson Soaring Falcons ang pang-pitong panalo sa pakikipagtuos kontra sa UST Growling Tigers sa alas-8 ng umaga at mag­lalaban ang Ateneo Blue Eagles at UP Fighting Maroons sa alas-10 ng umaga sa men’s division.

FEU LADY TAMARAWS

UP LADY MAROONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with