Filipino wrestler 'DJZ' pumirma na ng kontrata sa WWE — ulat
MANILA, Philippines — Muling madadagdagan ng Pilipino ang roster ng World Wrestling Entertainment.
Nakatakdang pumasok sa NXT developmental territory ng WWE ang two-time Impact Wrestling X-Division champion na si Michael Paris, 32, na kilala rin sa kanyang in-ring name na "DJZ."
Unang inilathala ng PWInsider ang balita ng kanyang pagpasok sa kumpanya.
— D J Z (@IAmDJZ) May 29, 2018
Ayon sa ilang sources sa loob ng WWE, in-offeran ng kontrata si DJZ Pebrero ngayong taon.
Kinumpirma rin ni Dave Meltzer, publisher at editor ng Wrestling Observer Newsletter, ang ulat.
Sinimulan ni DJZ ang kanyang karera sa squared circle bilang "Shiima Xion" taong 2004 sa American at Mexican independent circuit.
Matapos mag-debut bilang Zema Ion sa dating TNA Wrestling (na ngayo'y Impact), kinilala siya bilang unang Pilipino na nakasungkit ng ginto sa nasabing promotion.
Sa kanyang tenure sa TNA, nakasama rin niya sa roster ang dating inaugural WWE Cruiserweight champion at kapwa Pinoy na si T.J. Perkins (Manik).
Sa kabila ng pagiging regular doon, at pagpapalit ng pangalan sa DJZ, hinadlangan naman siya ng sari-saring injury at benign tumor sa bladder para magtuloy-tuloy sa pag-angat.
Kilala rin siya sa kanyang panahon sa Evolve, Ring of Honor, Lucha Libre AAA Worldwide, Major League Wrestling, DDT Pro-Wrestling at Pro Wrestling Guerilla.
Me and @LuchadorBandido somehow did this after 16 minutes of pure insanity tonight at @AAWPro pic.twitter.com/wGYyPkSArj
— D J Z (@IAmDJZ) December 30, 2018
Wala pa namang opisyal na anunsyo kung kailangan magtutungo si DJZ sa WWE Performance Center.
Naiulat na rin ang pag-sign ng NXT sa kanyang dating tag team partner na si Robert Strauss (Robbie E).
Ilan sa iba pang kilalang Filipino wrestlers ay sina dating WWE World Heavyweight Champion Dave "Batista" Bautista, ROH World Television Champion Jeff Cobb at Fallah Bahh.
- Latest