^

PSN Palaro

Nisperos sa Lady Eagles na papalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Nisperos sa Lady Eagles na papalo
Nagpasya si Nisperos na lumipat sa kampo ng Lady Eagles dahil tinukoy nitong “dream school” ang Ateneo na makapagbibigay sa kanya ng mas magandang oportunidad.

MANILA, Philippines — Nagtawid-bakod si high school standout Faith Nisperos mula Nazareth School of National University patungong Ateneo de Manila University simula sa Season 82 ng UAAP women’s volleyball.

Nagpasya si Nisperos na lumipat sa kampo ng Lady Eagles dahil tinukoy nitong “dream school” ang Ateneo na makapagbibigay sa kanya ng mas magandang oportunidad.

Nilinaw naman ni Nis­peros na wala itong masamang tinapay sa NU na ilang taon din nitong naging tahanan at nakapagbigay sa kanya ng pagkakataon para umusbong bilang atleta.

“It’s not that NU can’t provide what I want but I just see that Ateneo can provide more of it. It’s my dream school kaya ito ang napili ko (for college),” ani Nisperos.

Dumaan sa tamang proseso si Nisperos.

Kumuha ito ng Ateneo College Entrance Test upang makapasa.

Mataas ang standards ng Ateneo sa academics ngunit handa si Nisperos na maabot anuman ang pagsubok na harapin nito.

“I want to reach that standard that they’re ha­ving,” dagdag ni Nisperos.

Magarbo ang rekord ni Nisperos sa juniors division.

Dalawang beses itong itinanghal na Season Most Valuable Player (MVP) noong Season 77 at 79 habang nakakuha rin ito ng dalawang Finals MVP awards noong Season 78 at 80.

May First Best Outside Spiker awards din si Nisperos noong Seasons 79 at 80 at Best Attacker award noong Season 78.

Malaking tulong si Nisperos dahil mawawala na sa kampo ng Lady Eagles sina Maddie Madayag, Bea De Leon, Kim Gequillana at Kat Tolentino sa Season 82.

Tinukoy din ni Nisperos si three-time UAAP MVP Alyssa Valdez bilang inspirasyon sa kanyang paglalaro.

“Thankful for this person right beside me (Valdez) who was my inspiration ever since the first time I saw her play. Meeting her back in 2013 was a precious and unforgettable moment. Thank you for welcoming me personally to the Ateneo Lady Eagles,” ani Nisperos.

FAITH NISPEROS

UAAP WOMEN’S VOLLEYBALL TOURNAMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with