^

PSN Palaro

Galaw ng makakalaban ni Pacquiao pag-aaralan na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Galaw ng makakalaban ni Pacquiao pag-aaralan na
Wala pang opisyal na pangalan na makakalaban si Pacquiao.
File Photo

MANILA, Philippines — Ngayon pa lang, pinag-aaralan na ng Team Pacquiao ang galaw ng mga posibleng makalaban nito upang mas maging madali ang pagbuo ng plano sa oras na magsimula ang training camp ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Wala pang opisyal na pangalan na makakalaban si Pacquiao.

Ngunit para kay chief trainer Buboy Fernandez, mas magandang simulan nang makabisado ang estilo, postura at estratehiya ng mga makakalaban nito.

Kabilang sa mga pinag-aaralan ni Fernandez sina Errol Spence Jr., Keith Thurman, Danny Garcia at  Floyd Mayweather Jr. na mga matutunog na pa­ngalang maaaring makaharap ni Pacquiao sa pagdepensa ng kanyang World Boxing Association (WBA) regular welterweight title.

“Hindi naman kami na­mimili ng kalaban. Depende pa rin ito sa usapan (nina Premier Boxing Champions’ Al Haymon at Pacquiao). Pero sa nga­yon, mas mabuti na pag-aralan ang galaw nilang lahat na nasa listahan,” ani Fernandez.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, knockout pa rin ang tinatarget ng Team Pacquiao.

Nauna nang nagpaha­yag sina Spence at Thurman na nais nitong makalaban si Pacquiao.

Kasalukuyang hawak ni Spence ang IBF welterweight crown habang bitbit naman ni Thurman ang WBA super welterweight belt.

vuukle comment

TEAM PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with