^

PSN Palaro

L.A. Lakers yumukod sa Grizzlies

Pilipino Star Ngayon

MEMPHIS, Tennessee — Humataw si guard Mike Conley ng 30 points kasama ang dalawang mahalagang free throws sa huling minuto ng laro habang kumolekta si Jonas Valanciunas ng 20 points at 13 rebounds para pamunuan ang Grizzlies sa 110-105 paggupo sa bisitang Los Angeles Lakers.

Sinapawan ng Memphis ang inilistang triple-double ni LeBron James, tumapos na may 24 points, 12 rebounds at 11 assists para ilagay sa panganib ang Los Angeles sa playoffs.

Pinangunahan ni Brandon Ingram ang Lakers mula sa kanyang 32 points kasunod ang 22 markers ni Kyle Kuzma.

Nasa 10th place nga­yon ang Los Angeles sa Western Conference at naisuko ang apat sa huli nilang limang laro.

Nagsumite si center Joakim Noah ng 14 points at 12 rebounds samantalang may 15 markers si Avery Bradley para sa Memphis, tinapos ang four-game losing skid.

Sa Chicago, ibinuhos ni star Giannis Anteto­kounmpo ang kanyang oras sa pagtayo sa sideline para bigyan ng lakas ng loob ang kanyang mga teammates na sapat na para talunin ng NBA-leading Milwaukee Bucks ang Bulls, 117-106.

Umiskor sina Khris Middleton at Malcolm Brogdon ng tig-22 points kahit wala si Antetokounmpo, may sore right knee.

Binanderahan naman nina Lauri Markkanen at Robin Lopez ang Chicago mula sa kanilang tig-26 markers.

Sa Charlotte, kumamada si Klay Thompson ng 26 points habang naglista si DeMarcus Cousins ng 24 points at 11 rebounds para akayin ang Golden State Warriors sa 121-110 paggiba sa Hornets.

vuukle comment

JONAS VALANCIUNAS

MIKE CONLEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with