Filipina wrestler Kris Wolf inanunsyo ang retirement
MANILA, Philippines — Inanunsyo na ng Filipino-American independent wrestler na si Kris Wolf ang kanyang nalalapit na pagre-retiro, kasunod ng pagkakaroon ng mga sintomas ng concussion.
Sa kanyang weekly livestream sa YouTube kahapon, ibinahagi ito ng 34-anyos na si Wolf bunsod ng pangamba para sa kanyang kalusugan.
“Concussions suck. And the thing that is scary is that 40 years later your personality may have been well affected by the concussions, and you don’t realize it,” banggit ng bagong kasal na wrestler sa kanyang online followers.
Ilang beses na raw siyang nakaranas ng blackouts at kahirapan sa pagmememorya kaugnay ng wrestling injuries na nakuha sa hinaba-haba ng kanyang career.
“My heart wants to take care of my head.”
Madalas sa industriya ng pro-wrestling at American football ang concussions dahil sa mga tamang natatamo ng ulo, dahilan para magresulta sa mild traumatic brain injuries.
Mas kilala sa ring name na Kris Wolf, dating naging High Speed Champion si Kris Hernandez ng Japanese wrestling promotion na Stardom.
Tanyag ang bansang Hapon para sa kanilang "Japanese strongstyle," isang brand ng wrestling na may diin sa stiff strikes, suplexes at realistikong grappling holds.
Nagcompete na rin siya noon sa iba pang kumpanya tulad ng Ring of Honor sa Amerika, Westside Xtreme Wrestling sa Germany at feminist promotion na Pro-Wrestling: EVE sa United Kingdom.
Isa sa mga nagsanay kay Hernandez ay si Io Shirai, na kasalukuyang naka-sign sa developmental territory ng World Wrestling Entertainment na NXT.
"I liked wrestling, and I do enjoy it. I'll probably continue watching it. But for now, I'll just admire those who put their bodies, and their minds, and their lives on the line. I'm a pretty selfish animal. I'm very, very aware of the finite amount of time that I have."
"So therefore, I have to decide what's best for me," dagdag niya.
Nakikipag-usap na raw siya sa isang promotion para sa isang retirement show na posibleng mangyari ngayong Abril.
"I'm just so thankful that I've got to do this. Thanks."
- Latest