^

PSN Palaro

Davao, Valenzuela nagpalakas pa

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa nagwagi ang Davao Occidental Tigers at Valenzuela Classics sa magkahiwalay na laban para palakasin ang tsansang makapasok sa playoff round ng 2018-2019  Mahar­lika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup noong Martes ng gabi sa Valenzuela Astrodome.

Humataw si Mark Yee ng double-double performance upang iangat  ang Davao Occidental Tigers sa 92-82 panalo kontra sa Parañaque Patriots habang nilampaso naman ng Valenzuela Classics ang Pasay Voyagers, 93-80 upang masungkit ang pang-walong panalo sa 21 laro.

Umani ang dating PBA player na si Yee ng 17 puntos at 13 rebounds upang umangat ang Tigers sa 17-4 win-loss kartada at manatili sa solo liderato  sa Southern Division.

Dahil sa talo, nalaglag ang Patriots sa pang-11th puwesto sa kanilang 8-13 slate na dahilan para humina ang kanilang tsansa na makapasok pa  sa quar­terfinal round.

Sa iba pang laro, nagsanib puwersa ang magkapatid na sina Chris de Chavez at Carlo de Chavez ng kabuuang 37 puntos, 12 rebounds at walong assists upang iakyat ang Classics sa pang-sampung puwesto sa 8-13 card.

Ang Pasay Voyagers ay nanatili sa pang-12th place sa 7-15 record.

2018-2019 MAHAR­LIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

DAVAO OCCIDENTAL TIGERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with