^

PSN Palaro

Batang Pier giba sa depensa ng Dyip

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Batang Pier giba  sa depensa ng Dyip
Tinangkang supalpalin ni Robert Bolick ng NorthPort si CJ Perez ng Columbian Dyip.
(PBA Image)

MANILA, Philippines — Naniniwala si coach Johnedel Cardel na ang matibay na depensa ang magpapalakas sa kanilang kampanya sa 2019 PBA Philippine Cup.

Bumangon ang Columbian mula sa naunang kabiguan matapos patumbahin ang NorthPort, 110-100 para sa kanilang ikalawang panalo kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nauna nang ginulat ng Dyip ang four-time champions na San Miguel, 124-118 bago yumukod sa nangungunang Phoenix Fuel Masters, 98-108.

Nabigo naman ang Ba­tang Pier na mailista ang ikatlong sunod nilang panalo.

Humakot si rookie Jeepy Faundo ng 15 points at 7 rebounds  habang nag­latag si guard  Rashawn Mc­Carthy ng 14 markers, 12 assists at 6 boards para sa tropa ni Cardel.

Kinuha ng NorthPort ang 55-51 abante sa halftime kung saan humakot si big man Moala Tautuaa ng 20 points, 6 rebounds, 3 steals at 2 assists patungo sa paglilista ng 69-60 bentahe mula sa three-point shot ni star guard Stanley Pringle.

Sa likod naman nina McCarthy, Faundo, Reden Celda, Jackson Corpuz at Eric Camson ay naagaw ng Columbian ang unahan sa 84-77 sa huling 1:02 minuto ng third period.

Tuluyan na itong napalaki ng Dyip sa 14-point lead, 105-91 sa 2:30 minuto ng fourth quarter na hindi na kinayang pababain ng Batang Pier.

Samantala, magtutuos naman ang Barangay Ginebra at Rain or Shine ngayong alas-5 ng hapon sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.

Pupuntiryahin ng Elasto Painters ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos talunin ang NLEX Road Warriors, 96-87 habang gusto namang makabangon ng Gin Kings mula sa nalasap na 91-99 kabiguan sa San Miguel Beermen.

2019 PBA PHILIPPINE CUP

JOHNEDEL CARDEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with