^

PSN Palaro

Odom dumating na sa Manila

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Odom dumating na sa Manila
Si Odom ang isa sa tatlong imports na kinuha ng Mighty Sports para pa­lakasin ang kampanya nito sa naturang Dubai meet.

MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa si dating Los Angeles Lakers star Lamar Odom upang makasama ang buong koponan ng Mighty Sports na sasabak sa 30th Dubai International Basketball Championship na lalarga mula Pebrero 1 hanggang 9 sa Dubai, United Arab Emirates.

Si Odom ang isa sa tatlong imports na kinuha ng Mighty Sports para pa­lakasin ang kampanya nito sa naturang Dubai meet.

Maliban kay Odom, isa­sabak din ng Mighty Sports sina Ginebra resident import Justin Brownlee at American Randolf Morris na nalaro para sa Beijing Ducks sa Chinese Basketball Association.

Bahagi si Odom ng LA Lakers na nagkampeon noong 2009 at 2010.

Kasama rin si Odom ng US Dream Team sa 2004 Olympics at sa 2010 FIBA World Championship.

Sasabak din sa torneo ang United Arab Emirates national team, Al Zamalek-Egypt, Beirut-Lebanon, Homenetmen-Lebanon, Champville-Lebanon, Al Ittihad-Egypt, Al Riyado-Lebanon, Sala-Morocco at Coastal Star-Tunisia.

Ito ang ikalawang pagkakataon na lalahok ang Mighty Sports sa Dubai International Basketball Championship.

LAMAR ODOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with