^

PSN Palaro

Didal, Means nakasilip ng pag-asa sa Tokyo Olympics

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Didal, Means nakasilip ng pag-asa sa Tokyo Olympics
“Margie (Didal) and Tiana (Means) may have missed the finals, but they ma­naged to place good in the rankings,’’ ayon kay Monty Mendigoria, ang presidente ng Skateboarding and Roller Sports Asso­ciation of the Philippines.

MANILA, Philippines — Nakasungkit ng 20 Olympic qualifying points si Margielyn Didal habang ang Filipino-American na si Christiana Means ay naka­kuha ng 11.8 puntos sa ka­tatapos lamang na 2019 Street League Skateboar­ding (SLS) World Cham­pionship na ginanap sa Rio de Janeiro, Brazil.

Umabot sa semifinal round ang dalawang Pinay campaigners ngunit bigong umusad sa Finals ng kumpetisyon na dinomina nina hometown bet Leticia Bufo­ni ng Brazil at mga Amerikanong sina Mariah Duran at Lacey Baker.

“Margie (Didal) and Tiana (Means) may have missed the finals, but they ma­naged to place good in the rankings,’’ ayon kay Monty Mendigoria, ang  presidente ng Skateboarding and Roller Sports Asso­ciation of the Philippines.

Bagama’t bigong  umu­sad sa Finals ng kumpetisyon na sinalihan ng top 54 skateboarders sa buong mundo, nakakuha sila ng pag-asa na makalahok sa asam na 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Tumapos si Didal sa pang-14th overall habang ika-22 overall naman ang Oregon, USA-based na si Means sa kauna-unahang 2020 Olympic Qualifying tourney.

“Congratulations to both Christiana and Margie for ma­king the semifinals in this prestigious tournament. Although we were not able to advance further, this is an important step in the Olympic qualifying,’’ sabi ni Go For Gold godfather Je­remy Go na sumusuporta kay Didal.

Matatandaang si Didal ay isa sa apat na babae na nag-uwi ng gintong me­dalya sa 18th Asian Games na ginanap sa Jakarta-Pa­lembang, Indonesia noong nakaraang taon.

CHRISTIANA MEANS

MARGIE DIDAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with