^

PSN Palaro

Azkals kukunin ang ‘breakthrough win’ laban sa China

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Azkals kukunin ang ‘breakthrough win’ laban sa China

MANILA, Philippines — Isang breakthrough win ang puntirya ng Azkals sa pagharap nito sa China nga­yong gabi sa 2019 AFC Asian Cup sa Mohammed Bin Zayed Stadium sa Abu Dhabi, United Arab Emi­rates.

Magtutuos ang Azkals at Dragons sa alas-5:30 ng hapon (9:30 ng gabi sa Maynila) kung saan ki­nakailangan ng mga Pinoy booters na makuha ang krus­yal na panalo para ma­­natiling buhay ang tsan­sang makapasok sa knockout stage.

Tanging ang dalawang mangungunang koponan lamang sa bawat grupo ang papasok sa Round-of-16, habang ang apat na third-placers na may pi­nakamagandang rekord ay mabibiyayaan din ng sil­ya sa susunod na yugto.

Galing ang Azkals sa 0-1 kabiguan sa South Ko­rea na beterano na ng World Cup at nagmamay-ari ng dalawang Asian Cup titles.

“Even if we lost, the confidence was high. I spoke to the players and the mood was good. They know they did a good job,” ani Azkals head coach Sven-Goran Eriksson.

Mas determinado ang Azkals sa pagkakataong ito dahil alam ng tropa na kaya nitong makipagsabayan sa matitikas na koponan sa re­hiyon.

“I want to see that we can dominate (and) keep the ball better against China. It’s an extremely important game for us because if we lose and South Korea wins (against Kyrgyzstan), it’s over for us,” aniya.

Bahagyang kabisado ni Eriksson ang galaw ng Chinese players dahil nagsilbi itong mentor sa China sa loob ng apat na taon.

2019 AFC ASIAN CUP

AZKALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with