^

PSN Palaro

Didal sisimulan na ang kampanya para sa 2020 Tokyo Olympics slot

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Didal sisimulan na ang kampanya para sa 2020 Tokyo Olympics slot
Malaki ang tiwala ng 19-anyos na si Didal na makakamit ang tagumpay sa Bra­zilian competition, ang ka­una-unahang ranking qualifying com­petition sa taong ito para sa 2020 Olympic Games na gaganapin sa Tokyo, Japan.

MANILA, Philippines — Sisimulan ng Cebuana skateboarding Asian Games champion na si Margielyn Arda Didal ang kanyang asam na Olympic 2020 berth  sa pagsabak sa Street League Skateboarding PRO Championships simula sa Martes hanggang Biyernes sa Rio De Janeiro, Brazil.

Malaki ang tiwala ng 19-anyos na si Didal na makakamit ang tagumpay sa Bra­zilian competition, ang ka­una-unahang ranking qualifying com­petition sa taong ito para sa 2020 Olympic Games na gaganapin sa Tokyo, Japan.

“It’s a dream that I hope to fulfill. But for now, my focus is how to earn a spot in the Olympics through a series of ranking competitions where I have to perform at my best,’’ pahayag ni Didal isa sa mga national athletes mula sa anim na sports disciplines na sinusuportahan ng Go For Gold.

Ito pa lang ang unang competisyon na sinalihan ni Didal mula ng manalo ng gold medal sa 2018 Asian Games sa Jakarta-Palembang, Indonesia.

Bagama’t kalahok ang mga beteranong skateboarders na sina Monica Torres ng host Brazil, Haley Wilson ng Australia, Candy Jacobs ng Netherlands at 16-anyos world champion na si Aori Nishimura ng Japan, tiniyak ni Didal na bibigyan niya ng magandang laban ang mga ito.

“I believe she is one of the leading contenders for our country to get another Olympic medal,’’ ani Go For Gold godfather Jeremy Go.

Ang iba pang malalakas na makakalaban ni Didal ay sina Pamela Rosa, Alexis Sablone, Kate Shengeliya, Jenn Sotto, Lacey Baker, Samarria Brevard, Julia Brueckler, Leticia Bufoni at Mariah Duran.

Makakasama rin ni Didal ang 21-anyos na Filipino-American na si Christiana Means na nakabase sa Charlotte, USA at champion sa Empire AM Getting Paid Women’s Finals na ginanap noong Sept. 18, 2018 sa  Montreal, Canada.

MARGIELYN ARDA DIDAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with