^

PSN Palaro

3 Pinoy boxers nagbigay ng karangalan sa Pinas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
3 Pinoy boxers nagbigay ng karangalan sa Pinas
Manny Pacquiao at Jer­­win Ancajas

MANILA, Philippines — Tatlong Pinoy boxers, sa pangunguna ni world eight-division champion Manny Pacquiao, ang  nag­su­ot ng korona sa kani-ka­ni­lang weight divisions sa taong 2018.

Napanatili naman ni Jer­­win Ancajas ang kanyang paghahari sa world su­per flyweight division sa nasabi ring taon.

Noong Hulyo 15 ay na­kamit ni Pacquiao ang World Boxing Association regular welterweight crown matapos umiskor kay Lucas Matthysse ng isang se­venth-round TKO win sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito ang unang knockout victory ng 40-anyos na si Pacquiao sapul nang pa­sukuin si Miguel Cotto sa 12th round para agawin sa Puerto Rican ang hawak nitong World Boxing Or­­ganization welterweight belt noong Nobyembre ng 2009.

Itataya ni Pacquiao ang nasabing WBA regular title laban kay American challenger Adrien Broner sa Enero 19 sa MGM Grand Gar­den sa Las Vegas, Ne­vada.

Hinubad naman ni Vic Saludar ang WBO mini flyweight crown ni Japanese Ryuya Yamanaka mula sa kanyang unanimous decision win noong Hulyo 13 sa Central Gym sa Kobe, Japan.

Ito ang unang world bo­xing title ng 27-anyos na si Saludar.

Nagbalik sa eksena si world four-division titlist No­nito ‘The Filipino Flash’ Do­naire  Jr. nang magposte ng fourth-round stoppage laban kay Ryan Burnett para agawin sa huli ang bitbit nitong WBA bantamweight crown noong Nobyembre 3 sa Glasgow, Scotland.

Hindi na naalis ng kanyang silya si Burnett sa pag­tunog ng bell para sa pag­sisimula ng fifth round dahil sa back injury.

Bilang pagpapakita ng respeto ay hindi naglulundag sa tuwa ang 35-anyos na si Donaire at sa halip ay pinuntahan si Burnett para alamin ang kalagayan nito.

“Burnett is an amazing fighter,” pagpuri ni Donaire sa 27-anyos na Scottish fighter. “It didn’t go the way I wanted it to, but a win is a win. I fought like the bigger guy in there and I was also able to box. I felt strong and I came in with power because I was the bigger guy. Age ain’t nothing but a number.”

Samantala, matagum­pay namang napanatili ng 25-anyos na si Ancajas ang kanyang suot na International Boxing Fe­deration super flyweight belt sa ikaanim na sunod na pagkakataon.

Nauwi sa split draw ang title defense ni Ancajas laban kay Mexican challen­ger Alejandro Santiago no­ong Setyembre 29 sa Oak­land, California.

Dalawa pang Pinoy fighters ang hinirang na in­terim champions.

Tinalo ni Jhack Tepora si Mexican Edivaldo Ortega via ninth-round TKO para maging interim titlist ng WBA featherweight class undercard ng Pacquiao-Matthysse noong Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nakamit ni Reymart Ga­ballo ang interim title ng WBA bantamweight di­vision nang magtala ng unanimous decision victory kontra kay American Stephen Young noong Marso 23 sa Hollywood, California.

Kabiguan naman ang nalasap nina Mark Antho­ny Barriga at Genesis Servania sa kanilang mga title fights.

Natalo si Barriga, isang Olympic Games campaig­­ner, kay Mexican-Ame­rican Carlos Licona mula sa isang split decision loss para sa bakanteng IBF mini flyweight title noong Dis­yembre 2 sa Los Angeles, Ca­lifornia.

Nabigo naman si Ser­va­nia na tanggalin kay Me­xican Oscar Valdez ang ha­wak nitong WBO feather­weight belt nang makalasap ng unanimous decision loss no­ong Setyembre 23 sa Tucson, Texas.

JER­­WIN ANCAJAS

PINOY BOXERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with