^

PSN Palaro

Zamar tanggap ang limitadong playing time

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aminado si guard Paul Zamar na hindi niya makukuha ang playing time sa nilipatang San Miguel kumpara sa pinagmulan niyang Blackwater.

Ito ay dahil sa kargadong backcourt rotation ng mga Beermen ni head coach Leo Austria sa hanay nina Alex Cabagnot, Chris Ross, Marcio Lassiter, ang nagbabalik na si Ronald Tubid at si three-time scoring champion Terrence Romeo.

“Very heavy ang San Miguel sa backcourt, lalo na sa pagdating ni  Terrence kaya gagawin ko na lang ‘yung magagawa ko para makatulong sa team,” sabi ng anak ni San Miguel assistant coach Boycie Zamar.

Nahugot ng Beermen ang 6-foot-2 na si Zamar mula sa kampo ng Elite matapos ibigay ang hawak na 2021 at 2022 second round draft picks.

“I know na marami akong  matututunan sa mga veteran guards ng San Miguel like Alex (Cabagnot), Chris (Ros) and Marcio (Lassiter),” wika ng dating kamador ng University of the East Red Warriors sa UAAP.

Mula sa paglalaro para sa Mono Vampires sa Asean Basketball League ay nagtala ang 31-anyos na si Zamar ng impresibong mga averages na 10.0 points, 4.0 rebounds at 1.2 assists para sa Blackwater ni coach Bong Ramos sa nakaraang PBA Go­vernor’s Cup na pinagha­rian ng Magnolia laban sa Alaska.

Para naman makuha si Romeo sa TNT Katropa ay ibinigay ng San Miguel sina bench players Brian Heruela at David Semerad kasama ang isang first-round pick sa 2021 PBA Draft.

Nagbabalik naman si Tubid sa kampo ng Beermen matapos ipagpalit kay swingman Keith Agovida sa one-one trade sa Columbian.

PAUL ZAMAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with