Suporta sa Ph sports itutuloy ng Go-For-Gold
MANILA, Philippines — Dahil sa tagumpay nila sa taong 2018, nangako ang Go-For-Gold management na ipagpapatuloy ang pagsuporta sa sports development sa bansa sa susunod na taon.
Sinabi ni Powerball vice-president for Marketing Jeremy Go na naiintindihan niya ang kailangan ng suporta mula sa private sector upang matulungan ang mga Filipino athletes sa kanilang mithiin na magbigay karangalan sa bansa sa mga international competition.
“Our company, Go-For- Gold will continue our role to help in the promotion of sports in the country, especially those we have identified as potential sources of gold medals,” sabi ni Go.
Nakikita umano ni Go ang daming atleta na may mga talento at malaking potensyal na mananalo sa international competitions at kailangan lamang ng suporta para pag-ibayuhin ang kanilang hangarin.
“Maraming magagaling, maraming talentadong mga atleta sa iba’t ibang sports. Kailangan lamang nating linangin at pag-ibayuhin ang kanilang mga training dito at sa labas ng bansa,” dagdag ni Go.
“We started in cycling. And now we’re trying to help in other sports as well,” aniya.
Kabilang na ngayon sa mga tinitingnan ng Go- For-Gold na ibang sports para tulungan ay ang Philippine Canoe Kayak at Dragonboat Federation (PCKDF) ni Jonne Go at Philippine Sepak Takraw Association, Inc. (PSTA) ni Karen Tanchanco-Caballero.
“In PCKDF’s case, we supported their women’s team which competed in the prestigious 2018 ICF World Dragon Boat Championships in Gainesville, Georgia last September. And I was told most of the gold medals came from mixed competitions where the women competed,” ayon kay Go.
- Latest