5th Pasay ‘The Travel City’ Racingfest
MANILA, Philippines — Ang pinakamalaking club-organized racing extravaganza ay sasambulat bukas sa pagtakbo ng 2018 Pasay ‘The Travel City’ Racing Festival sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.
Inaasahang magiging kapana-panabik muli ang ikalimang edisyon ng karerang ito tampok ang apat na major races at walong trophy races na handog ng Metro Manila Turf Club.
Anim na local at imported gallopers ang magpapaunahan sa 5th Pasay ‘The Travel City’ Cup na may total prize na P700,000 para sa unang apat na magtatapos kung saan P420,000 dito ang mapupunta sa kampeon.
Ang mga opisyal na kalahok sa 1,600-meter race na ito ay sina Secret Affair (CS Pare, 51); Shoo In (CP Henson, 51); Truly Ponti (OP Cortez, 54); Tin Drum (RG Fernandez, 56); Anino (DH Borbe Jr, 51) at Eugene Onegin (PR Dilema, 52).
May P700,000 ding nakalaan para sa 5th Pasay Mayor Tony Calixto Cup na paglalabanan ng siyam na kalahok. Ito ay sina Dugong Bughaw (OP Cortez, 54); When The Wolf Bite (BZ Llarenas, 52); Twin Oak (JA A Guce, 52); My Jopay (JB Hernandez, 52); Barayong (KB Abobo, 54); I Feel Good (RM Garcia, 54); Full of Grace (CP Henson, 52); Oktubre Katorse (VM Camañero Jr., 54) at Morning Girl (RO Niu Jr., 52). Ang distansiya ng karera ay 1,400 metro.
Ang 4th Former Pasay OIC Mayor Eduardo "Duay" Calixto Cup naman ay paglalabanan sa distansiyang 1,600 metro at co-sponsored ng Pagcor.
May kabuuan itong premyo na P500,000.
- Latest