Go For Gold cyclists angat sa Tour de Linggarjati
MANILA, Philippines — Nasikwat ni Jonel Carcuerva ang men’s elite crown habang nagwagi naman si Rex Luis Krog sa juniors division ng Tour de Linggarjati na ginanap sa West Java, Indonesia.
Sinandalan ng 24-anyos na si Carcuerva ang second place finish sa road race at third place sa 9.8-kilometro individual time trial upang makopo ang titulo sa general classification.
Pumapangalawa naman si Matej Drivonec ng Slovenia sa General Classification matapos pangunahan ang 119.60-kilometer road race habang si Robert Muller ng Germany ay tumapos sa ikatlong puwesto sa CG overall.
“I’m very proud of our team. Even though we are still a young squad and have plenty of things to improve on, they have proven that Filipino cyclists can win in big races overseas,’’ sabi ni Go For Gold Philippines godfather Jeremy Go.
Ang ibang siklista ng Go For Gold na sina Ronnilan Quita ay pang-apat sa overall at pangpito si Ismael Grospe habang pang-13th naman si Ronnel Hualda (13th). Si Jericho Jay Lucero (16th) at Elmer Navarro ay pang-18th overall.
Dinomina naman ng 18-anyos na si Krog ang junior division sa tatlong araw na international bikathon.
- Latest