Makati Super Crunch determinadong maibulsa ang korona sa MPBL
MANILA, Philippines — Desidido ang Makati Super Crunch na maibulsa ang korona sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup.
Ito ay matapos pumasok ang bagong supporter sa ngalan ng PriFood na pag-aari ni Enrico Yap Jr.
Mula sa dating Makati Skyscrapers, tatawagin na itong Makati Super Crunch.
“The goal is to win the championship. We are happy with the support of Super Crunch and we are grateful to Mr. Yap for the trust in the Makati team,” ani team owner Paolo Orbeta.
Nasa ikaapat na puwesto ang Makati sa Group A (North Division) ng standings hawak ang 8-4 marka habang nangunguna ang Bataan Risers (11-1), Manila Stars (10-2) at San Juan Knights (10-3).
“We promise to work harder and play better games so we can make Super Crunch proud of us. There were a lot of offers but we choose the best partner for our team,” dagdag ni co-owner Paolo Pineda.
Galing ang Makati sa dalawang sunod na panalo laban sa Bulacan noong Oct. 30 (99-94) at Pampanga noong Oct. 17 (69-67).
Sunod na makakasagupa ng Super Crunch ang Zamboanga bukas (Miyerkules) sa Ynares Sports Center sa Pasig City.
Maliban sa Makati, nais ng Super Crunch na makatulong din sa iba pang sports gaya ng football at volleyball habang target din nitong makapasok sa PBA at maging katuwang ng liga sa pagtulong sa national team sa international competitions.
- Latest