Paul, Rondo at Ingram pinagmulta ng NBA
LOS ANGELES -- Mabigat na parusa ang ibinaba ng NBA kina Lakers teammates Brandon Ingram at Rajon Rondo at Chris Paul ng Houston Rockets dahil sa kanilang rambulan kamakalawa.
Pinatawan si Ingram ng four-game suspension habang hindi makikita si Rondo sa tatlong laro ng Los Angeles at dalawang laro namang hindi mapapanood si Paul para sa Houston.
Ibinaba ng NBA ang desisyon isang araw matapos ang insidenteng nangyari sa fourth quarter sa Staples Center.
Bukod sa two-game suspension ay pinagmulta rin si Paul, ang presidente ng NBA Players' Association ng $491,782 samantalang sina Rondo at Ingram ay pinagbayad ng $186,207 at $158,816, ayon sa pagkakasunod.
“We don't want this to happen again,” wika ni NBA executive vice president Kiki VanDeWeghe.
Hindi naman sang-ayon si Rockets coach Mike D'Antoni sa parusang ipinataw kay Paul.
“It's just not equitable,” wika ni D'Antoni. “If you wanted to suspend him one (game) I get it, just to make a statement. Then you're talking monetarily, he's paying three times more than the other guys are paying for missing games? That doesn't seem to be right.”
- Latest