^

PSN Palaro

Ancheta bumuhat ng bronze medal

Pilipino Star Ngayon
Ancheta bumuhat ng bronze medal
Ipinakita ni Pinay powerlifter Adeline Ancheta (kanan) ang kanyang nabuhat na bronze medal.

MANILA, Philippines — Iniligtas ni veteran powerlifter Adeline Ancheta ang napipintong pagkabokya sa medalya ng Pilipinas sa 2018 Asian Para Games.

Ito ay matapos siyang bumuhat ng bronze medal sa women’s over 86 kilograms Para powerlifting event kahapon sa Balai Sudirman sa Jakarta, Indonesia.

Nagsumite si Ancheta ng best lift na 107kg. sa kanyang  second attempt para tu­mapos sa ikatlong puwesto sa ilalim nina Lee Hyunjung ng Korea at Sriyanti Sriyanti ng Thailand, naglista ng magkatulad na 118kg.

Nakamit ng Korean ang gold medal mula sa kanyang 115kg. lift sa kanyang first attempt kumpara sa 114kg. ni Sriyanti.

Ang naturang tansong medalya ni Ancheta ang nag-iisang medalyang nakuha ng Team Philippines sa nasabing araw ng mga labanan.

Kamakalawa ay nagsulong ang mga Filipino chessers ng tatlong gold medals, ha­bang nakamit ni swimmer Ernie Gawilan ang ikalawa niyang ginto para sa 6-6-6 (gold-silver-bronze) medal tally ng bansa.

Pinagharian ni Gawilan ng Davao ang mga kompetisyon sa men’s 100m back S7 at ang 200m IM SM7 divisions.

Samantala, inangkin naman ni FIDE Master Sander Severino ang individual crown sa individual standard P1 chess at nakasama sina Henry Lopez at Jasper Rom sa pamamahala sa team event.

vuukle comment

2018 ASIAN PARA GAMES

ADELINE ANCHETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with