^

PSN Palaro

Apat na medalya sa Team Phl sa Asiad Para Games

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Apat na medalya sa Team Phl sa Asiad Para Games
Ibinigay ni Ernie Ga­wilan ang unang gintong me­dalya ng bansa nang magtala ng dalawang mi­nuto at 52.43 segundo sa men's 200m individual medley SM7.
File

MANILA, Philippines — Humirit agad ang Pilipi­nas ng apat na medalya tampok ang isang ginto sa swimming competition ng 2018 Asian Para Games sa Gelora Bung Karno Aquatic Stadium sa Jakarta, Indo­ne­sia.

Ibinigay ni Ernie Ga­wilan ang unang gintong me­dalya ng bansa nang magtala ng dalawang mi­nuto at 52.43 segundo sa men's 200m individual medley SM7.

Pinalubog ni Gawilan sina Chen Liang Da ng Chinese-Taipei (2:55.90) at Jadhav Suyash Narayan ng India (2:56.51).

Nagdagdag pa si Ga­wilan ng pilak na medalya sa men's 50m freestyle S7 event nang magsumite ng 31.93 segundo.

Umani naman ng tansong medalya si Gary Bejino sa men's 100m backstroke.

Naorasan si Bejino ng 1:28.54 sa ilalim nina gold me­dalist Yang Hong ng Chi­na (1:18.97) at silver me­dalist Aung Myint Myat ng Myanmar (1:24.84).

Nagparamdam din ang powerlifting team nang angkinin ni Achelle Guion ang pilak na medalya sa wo­men's 45kg event kung saan bumuhat siya ng ka­buuang 67 kgs.

Sa kabuuan, umani na ang Pilipinas ng isang ginto, dalawang pilak at isang tansong medalya.

Inaasahang madaragdagan pa ang medalya ng bansa sa oras na sumabak ang iba pang miyembro ng delegasyon.

 

2018 ASIAN PARA GAMES

ERNIE GA­WILAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
23 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with