Peñalosa’s babandera sa Pinoy pugs vs Tanzanian

MANILA, Philippines — Haharapin ni Dave “The Hunter” Peñalosa si Twalib Tuwa habang sasabak naman si Carlo “Too Sharp” Peñalosa kontra kay James Kizbange ngayong araw sa Philippines vs Tanzania simula sa ala-1 ng hapon sa SM Skydome sa North Edsa.
Malakas ang tiwala ng second generation fighters na magwagi sa magkahiwalay na laban upang ipagpatuloy ang pamana ng pamilyang Peñalosa sa boxing.
Itataya ni Dave, muling magbabalik sa professional boxing pagkaraan ng mahigit dalawang taon ang kanyang 13-0 record kabilang ang siyam na knockouts.
“Mabigat ang pangalang Peñalosa sa larangan ng boxing, may pressure talaga,” sabi ni Dave na anak ni dating world champion Dodie “Boy” Peñalosa.
Si Carki naman ay makikipag-agawan sa nabakanteng WBA Asia South flyweight championship laban kay Kizabange.
Kasama naman sa corner ng dalawang Peñalosa ang dating world champion na si Gerry Peñalosa na siya rin ang promoter ng laban.
Ang iba pang kasali sa undercard ay sina interim WBO bantamweight champion “The Assassin” Raymart Gaballo (19-0, 16 KOs) laban kay Julias Kisarawi at dating champion Marlon “Nightmare” Tapales (30-2, 13 KOs) kontra kay Goodluck Mrema (22-3, 12 KOs).
- Latest




















