^

PSN Palaro

Adamson mapapalaban sa NU

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Adamson mapapalaban sa NU
Tangan ang 4-0 win-loss kartada, haharapin ng Soaring Falcons ang Bulldogs sa ala-1 ng hapon at susundan sa pagtatagpo ng Blue Eagles at Growling Tigers sa alas-4 ng hapon.
Joey Mendoza

Laro Ngayon(FilOil San Juan City)

1 p.m.  ADU vs NU (M)

4 p.m. UST vs ADMU (M)

MANILA, Philippines — Itataya ng Adamson Soaring Falcons ang malinis na kartada sa pagharap laban sa NU Bulldogs habang magtatagpo rin ang nagdedepensang Ateneo Blue Eagles at UST Grow­ling Tigers ngayon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP basketball tournament sa FilOil Flying V Are­na sa San Juan City.

Tangan ang 4-0 win-loss kartada, haharapin ng Soaring Falcons ang Bulldogs sa ala-1 ng hapon at susundan sa pagtatagpo ng Blue Eagles at Growling Tigers sa alas-4 ng hapon.

Hinikayat ni Adamson coach Franz Pumaren ang kanyang mga manlalaro na hindi magpapadala sa “social media hype” at mag-focus sa kanilang laro upang hindi magkaroon ng gusot at masusunod ang kanilang game plan.

“We drifted away from what we were supposed to be doing in our game against UP. I think some of my players can attest to that. We were kinda selfish. We were probably reading too much about social media that we’re so great already,” paalala ni Pumaren sa kanyang mga manlalaro.

Pinabulaanan din ni Pumaren na ang kanilang 4-0 start, ang kanilang pina­ka­mataas simula  no­ong 20­03 ay mababalewala kung sila ay magkampante sa mga susunod nilang laro.

Target ng Bulldogs naman ang ikalawang panalo sa apat na laro.

SEASON 81 UAAP BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with