^

PSN Palaro

Nakatakdang 2 laro sa MPBL kinansel

FCagape - Pilipino Star Ngayon
Nakatakdang 2 laro sa MPBL kinansel
Ang mga nasabing laro ay ang Bacoor Strikers laban sa Zamboanga Valientes at ng Cebu City Sharks at Quezon City Capitals.

MANILA, Philippines — Sa ika-apat na pagka­ka­taon kinansela ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ang dalawang larong nakatakda sanang idaos kaha­pon sa Strike Gym sa Bacoor, Cavite.

Ang mga nasabing laro ay ang Bacoor Strikers laban sa Zamboanga Valientes at ng Cebu City Sharks at Quezon City Capitals.

Ayon kay MPBL commissioner Kenneth Duremdes na ang mga nasabing laro ay gaganapin na lang pagkatapos ng elimination round.

“Safety is our priority, so we just advised everybody to stay home and we’re resetting the double header to a later date,” sabi ni Duremdes.

Sinabi pa ni Duremdes na nakakabuti sa mga manlalaro at ng mga tagasubaybay na kanselahin ang naturang laro dahil sa bagyong Ompong na inaasahang nag-iwan ng malakas na ulan nga­yon. Ang nasabing bagyo ay lumabas na sa Philippine Area of Responsibilty (PAR) kagabi.

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with