^

PSN Palaro

Falcons pinaluhod ang Blue Eagles

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Falcons pinaluhod ang Blue Eagles
Nagpakita ng matikas na laro si Jerrick Ahanmi­si sa kanyang 23 puntos, apat na rebounds at isang assist para pangunahan ang kumbensidong panalo ng San Marcelino-based na Falcons.
Contributed Photo/Michael Gatpandan

MANILA, Philippines — Sinorpresa ng Adam­son Soaring Falcons ang nagdedepensang Ateneo Blue Eagles, 74-70, sa Season 81 UAAP basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

Nagpakita ng matikas na laro si Jerrick Ahanmi­si sa kanyang 23 puntos, apat na rebounds at isang assist para pangunahan ang kumbensidong panalo ng San Marcelino-based na Falcons.

Kahit ang rookie na si Je­rom Lastimosa ay nag­pa­kita ng husay sa ikalawang yugto at sinundan ni CJ Catapusan hanggang sa dulo para makumpleto ang malaking sorpresa ng tropa ni coach Franz Pumaren.

Sa unang laro, nagtu­lung-tulong sina Arvin Tolentino at Jasper Parker upang iangat ang Far Eas­tern University Tamaraws la­ban sa De La Salle Green Archers, 68-61, para sa ma­gandang umpisa sa ka­nilang kampanya sa season na ito.

Pagkaraang makuha ng Green Archers ang one-point lead mula sa basket ni Santi Santillan, kumada rin ng sunud-sunod na puntos si­na Tolentino at Parker sa huling apat na minutos para biguin ang tropa ng bagong DLSU coach na si Louie Gonzalez.

“Mahirap talaga makalaban ang La Salle. I like our improvement from last year and hopefully, tuluy-tuloy na,” sabi ni FEU coach Olsen Racela.

Sa tulong din ni Hubert Cani ay umabot sa anim na puntos, 62-56, ang ka­la­mangan ng Tamaraws tu­ngo sa kanilang unang pa­nalo laban sa Green Archers sa loob ng tatlong taon.

Umani si Tolentino ng 13 puntos kabilang na ang go-ahead basket sa huling 3:25 minuto ng laro at sinamahan pa nito ng apat na rebounds, habang si Parker ay umiskor ng limang puntos, anim na rebounds at tatlong assists.

“Last year, tinambakan nila kami. But we are improving a lot ngayon. Iba na talaga ngayon,” ani Racela.

Tumulong din ng 11 puntos si Ken Tuffin.

UAAP BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with