Pinoy boxers kakasa na
JAKARTA — Tatlong Phl boxers ang magtatangkang makasiguro ng silver medal sa pagsabak sa semifinal round ng boxing competition sa Jakarta International Expo sa penultimate day ng aksiyon sa 18th Asian Games na ginaganap sa iba’t ibang venues dito at sa Palembang.
Inaasahang makakapagdagdag sa apat na gold medal ng Pinas sina Eumir Felix Marcial, Carlo Paalam at Rogen Ladon na pare-parehong nakakasiguro na ng bronze medal at kung mananalo sa kanilang laban ngayon na magtutulak sa kanilang sa gold medal bout bukas.
Bilang unang boxer na pumasok sa semifinals, ang 24-gulang Olympian na si Ladon, 2017 Asian Championships bronze medalist, ang unang sasalang sa men’s flyweight 52kgs. kontra kay Yutapong Tongdee ng Thailand sa alas 2:15 ng hapon (3:15 Manila Time).
Delikado naman ang 20-gulang na si Paalam sa kanyang alas 4 (5:00 p.m. Manila time) na laban sa men’s light flyghweight 49 kgs division dahil makakatapat niya ang local bet na si Amit ng Indonesia.
Huling sasalang si Marcial, back-to-back SEA Games gold medalists sa men’s middleweight 75kgs sa alas-7:45 ng gabi (8:45 p.m. Manila Time kontra kay Israil Madrimov ng Uzbekistan.
Nagtala si Paalam, pinakabata sa eigth-member team na lahok ng ABAP ng 4-1 panalo kontra sa beteranong Kazakh na si Termirtas Zhussupov, 4-1 sa semifinals habang dinispatsa naman ni Marcial si Jinjea Kim ng Korea, 5-0 kamakalawa.
- Latest