Ginobili nagretiro na
SAN ANTONIO — Kinumpirma ni Spurs star guard Manu Ginobili ang kanyang pagreretiro para wakasan ang makulay niyang 23-year career na tinampukan ng apat na NBA championships.
Nagposte ang 41-anyos na Argentine star sa social media ng kanyang pahayag.
“Today, with a wide range of feelings, I’m announcing my retirement from basketball,” wika ni Ginobili. “IMMENSE GRATITUDE to everyone (family, friends, teammates, coaches, staff, fans) involved in my life in the last 23 years. It’s been a fabulous journey. Way beyond my wildest dreams.”
Naging susi ang veteran shooting guard ng San Antonio teams na nanalo ng apat na NBA crowns noong 2003 hanggang 2014 matapos lumipat sa NBA noong 2002 mula sa nilalaruang Italian team na Virtus Bologna sa Euroepan League.
Bukod sa apat na NBA titles, dalawang beses ding nahirang si Ginobili para sa All Stars noong 2005 at 2011.
Tinulungan din niya ang Argentina sa paghablot ng gold medal noong 2004 Olympics sa Athens, Greece.
Sumabak si Ginobili sa 1,057 games sa kanyang career at nagtala ng mga averages na 13.3 points, 3.8 assists, 3.5 rebounds at 1.32 steals.
Nakita siya sa 218 playoff games at naglista ng average na 14 points per game.
Sina Ginobili at LeBron James ang tanging dalawang players sa postseason history na nagposte ng 3,000 points at 300 three-pointers sa playoffs.
- Latest