^

PSN Palaro

Caluag laglag sa tanso

Mae Balbuena-Villena - Pilipino Star Ngayon
Caluag laglag sa tanso
Nakipag-unahan si Fil-Am rider Daniel Caluag (No. 14) sa dalawa pa niyang karibal sa BMX competition ng 18th Asian Games.
Joey Mendoza

JAKARTA— Nabigo ang BMX rider na si Daniel Caluag na ipagtanggol ang kanyang Asian Games title ngunit nakapagdeliber pa rin siya ng bronze medal --ikapito ng Team Philippines sa 18th  Asian Games sa Pulomas International BMX Center.

“It’s not the result that I wanted and what I came here for. The vision was the gold. But the Japanese came in strong,” ani Ca­luag ang tanging nanalo ng gold medal para sa Pinas noong 2014 Incheon Asiad sa South Korea.

“But I’m happy with the finish. I would have liked a better color, but any medal for the Philippines is definitely good result especially on the world stage,” dagdag ng 31 gulang na ngayong si Caluag na nagtatrabaho na rin bilang nurse para sa kanyang dalawang anak sa Amerika.

Ang bronze ni C­aluag ay dagdag sa bronze medal mula sa men’s at women’s poomsae team,      (Agatha Wong at Divine Wally) ng wushu, taekwondo jin Pauline Louise Lopez at Meggie Ochoa ng ju-jitsu at ang nag-iisa pa lamang na gold ng Pinas mula kay Olympic weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz.

Kumpara sa gold me­dalist na si Japanese Yoshitaku Nagasako na isang full-time athlete, si Caluag ay nagta-trabaho sa dalawang ospital, tatlong beses sa isang linggo.

“He’s my biggest competitor. He’s playing the rounds strategically, k­nowing it’s a hot race and hoping the riders would spend their energy. He played the same game I played,” sabi pa ni Caluag.

Ang kanyang kapatid na si Christopher Caluag  ay tumapos na pang-lima sa men’s motos heat 2, para mag-qualify sa finalhabang si Sienna Elaine Fines ay  tumapos na pang-lima sa women’s finals.

Kasalukuyang lumalaban ang sigurado na sa quarterfinals na Philippine women’s volleyball team kontra sa kanilang SEA Games rival na Indonesia kagabi.

 Nakatakda namang lumaban sina Dines Dumaan at Jefferson Rhey Loon sa kani-kanilang se­mifinal matches para ma­kasiguro ng silver medal.

DANIEL CALUAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with