^

PSN Palaro

Big City Softbelles reyna sa Pony World Series 18-U

Pilipino Star Ngayon
Big City Softbelles reyna  sa Pony World Series 18-U
Matikas na inilampaso ng Pilipinas ang 2016 World Series Champion at 2017 runner-up Central Hemet Xplosion sa pamamagitan ng 5-1 demolisyon para masiguro ang ikalawang sunod na kampeonato ng tropa.

MANILA, Philippines — Napasakamay ng Team Manila-Philippines ang korona sa prestihiyosong Pony World Series 18-U Girls Softball Championship na ginanap sa Diamond Valley Park sa Valley-Wide Recreation District sa Hemet, California.

Matikas na inilampaso ng Pilipinas ang 2016 World Series Champion at 2017 runner-up Central Hemet  Xplosion sa pamamagitan ng 5-1 demolisyon para masiguro ang ikalawang sunod na kampeonato ng tropa.

Nagpasiklab ng husto ang 17-anyos ace pitcher na si  Alma Tauli nang magtala ito ng walong strikeouts para pigilan ang atake ng Californians.

Sa umpisa pa lang, gitgitan na ang laban ngunit kumawala ang Pinay squad sa third inning nang magsanib-puwersa sina  Angelu Gabriel, Mary Joy Maguad, Cleofe Magsayo at Alexandria Romero-Salas.

Dinala pa nina Khisha Cantor at Aliza Pichon ang Pilipinas sa 3-1 kalamangan sa fourth inning na siyang naging matibay na sandalan ng tropa para makuha ang panalo.

Nakapasok sa finals ang Pilipinas matapos pulbusin ang Riverside County Lady Laces sa semifinals sa bisa ng 11-0 demolisyon.

 Nagkampeon na rin ang Big City Softbelles noong 2012 Big League 18-U World Series.  (CCo)

PONY WORLD SERIES 18-U GIRLS SOFTBALL CHAMPIONSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with