^

PSN Palaro

Pinas posibleng ma-sanction--Vargas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pinas posibleng ma-sanction--Vargas
Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Olympic Committee president Ricky Vargas kung saan posibleng pagmultahin ang Pilipinas. Hindi pa nito alam kung ano pang maaaring ilatag na parusa ng OCA maliban sa penalty.

MANILA, Philippines — Posibleng patawan ng parusa ng Olympic Council of Asia (OCA) ang Pilipinas matapos magdesisyon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mag-pullout sa basketball event ng 2018 Asian Games na idaraos sa Indonesia.

Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Olympic Committee president Ricky Vargas kung saan posibleng pagmultahin ang Pilipinas. Hindi pa nito alam kung ano pang maaaring ilatag na parusa ng OCA maliban sa penalty.

“I think there will be a sanction in terms of mo­netary. But I don’t know is there’s a sanction outside of a fine,” wika ni Vargas.

Naniniwala si Vargas na maiintindihan ng Indonesia Asian Games Organizing Committee ang naging desisyon ng Pilipinas.

Malalim ang ugnayan ng Pilipinas at Indonesia.

Makakasama ng Pilipinas ang Indonesia at Japan sa pagtataguyod ng 2023 FIBA World Cup kaya’t madalas ang paki­kipag-usap ng SBP sa Indonesian basketball association.

“I think they will understand what we’re going through and the process what SBP has done. The relationship of SBP and the Indonesian basketball association is strong and will withstand this issue,” ani Vargas.

Sinagot din ni Vargas ang sentimiyento ng mga Pinoy basketball fans na dismayado sa naging desisyon ng SBP.

Mas mahalaga aniyang pagtuunan ng pansin ang long-term plans ng asosasyon na mas makabubuti sa Philippine basketball.

“We understand the disappointed of the people but this is a time to look at long-term plans than l­ooking at short-term plans,” ani Vargas.

Lumasap ng matinding dagok kamakailan ang Pilipinas nang mauwi sa gulo ang laban ng Gilas Pilipinas at Australia sa FIBA World Cup qualifying na ginanap sa Philippine Arena kung saan nasuspinde ang 10 Pinoy players at sina coaches Chot Reyes at Jong Uichico.

 

OLYMPIC COUNCIL OF ASIA

SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with