^

PSN Palaro

Corteza sinargo ang korona sa Japan Open

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Corteza sinargo ang korona sa Japan Open
Ipinakikita ni Lee Vann Corteza ang kanyang tropeo at prem­yong 1,2000,000 (Japanese Yen) makaraang magwagi sa 31st Japan Open 2018 Championship sa Japan.

MANILA, Philippines — Muling namayagpag ang Pilipinas sa mundo ng billiards matapos masikwat ni Lee Vann Corteza ang korona sa 31st Japan Open 10-Ball Championship na ginanap sa New Pier Hall sa Tokyo, Japan.

Naitakas ni Corteza ang dikitang 8-7 panalo laban kay Japanese ace Naoyuki Oi sa finals para makuha ang $10,623 premyo.

Nagkasya lamang sa $5,311 konsolasyon si Oi sa event na may basbas ng World Pool-Billiard Association.

Umabante sa finals si Corteza nang manaig ito kay Wu Kun Lin ng Chinese-Taipei sa semifinals sa bisa  ng 8-4 panalo.

Kabilang din sa mga pinatalsik ni Corteza sina Naoki Yamashita ng Japan sa first round (9-6), Sho Tsuken ng Japan  sa se­cond round (9-1), Satoshi Oaki ng Japan sa third round (9-3), Tadasu Sukigihara ng Japan sa fourth round (8-6) at Cheng Yu-Hsuan ng Chinese-Taipei sa quarterfinals (8-3).

Lumahok din sa torneo si Antonio Lining subalit umabot lamang ito sa quarterfinals para magkasya sa $1,327 konsolasyon.

Mayroon nang dalawang titulo si Corteza sa taong ito.

Nauna nang nagkampeon ang Davao City pride sa 2018 Predator Pro-Am Tour sa Astoria, New York noong Abril.

Nagkampeon kama­kailan sina Warren Kiamco sa 2018 West Coast Swing 10-Ball Challenge sa Arizona; Dennis Orcollo sa 2018 West Coast 10-Ball Pro Challenge sa California at Freezer’s Icehouse One Pocket Challenge sa Arizona at Jeffrey De Luna sa 6th Annual Cole Dickson 9-Ball Championship sa San Francisco.

LEE VANN CORTEZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
15 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with