^

PSN Palaro

Extreme sports ‘di dahilan ng prostate

Pilipino Star Ngayon
Extreme sports ‘di  dahilan ng prostate
Walang dapat ipangamba, sundin ang nais ng kata­wan at isipan. Ang pagsabak sa mabibigat na gawain, kabilang ang sports ay hindi dahilan para madevelop sa kalalakihan ang Benign Prostatic Hyperplasia (BPH) o pamamaga ng prostate ng kalalakihan.

MANILA, Philippines — Trip mo ba ang sumabak sa mountain biking, t­riathlon? o horseback riding? Aktibo ka rin sa extreme sports, gayundin sa contact sports na wrestling at mixed martial arts?

Walang dapat ipangamba, sundin ang nais ng kata­wan at isipan. Ang pagsabak sa mabibigat na gawain, kabilang ang sports ay hindi dahilan para madevelop sa kalalakihan ang Benign Prostatic Hyperplasia (BPH) o pamamaga ng prostate ng kalalakihan.

Pinabulaanan ni Dr. Marie Carmela  M. Lapitan, GSK Area Medical Expert, ang matandang haka-haka na ang labis na pagsabak sa mabibigat na gawain, gayundin sa sports tulad ng horseback riding, cycling, wrestling at iba pang contact sports ang dahilan ng sakit na BPH.

 “There is no medical basis for this. Engaging in activities like biking, horsebike riding or other extreme sports has no direct effect in developing BPH,” ani Lapitan.

Aniya, nadedevelop ang BPH sa panahon dumara­ting ang kalalakihan sa edad na 50 pataas dulot nang pagtaas ng testosterone na siyang tumutulong sa pagdevelop ng reproductive tissue sa kalalakihan.

“Every man at the prime of his life deserves a life where he can enjoy  the things that he loves to do--such as trips with his family and sports like biking and hi­king—without any hindrances and discomforts caused by BPH,” sambit pa ni Lapitan.

Hindi nakamamatay na sakit ang  BPH, ngunit  importan­teng maabatan ito para makaiwas sa komplikasyon at makapamuhay ang kalalakihan ng maayos, maginhawa at malusog kasama ang pamilya.

Bilang pagtalima, isinusulong ng GlaxoSmithKline Philippines (GSK), nangungunang healthcare company sa mundo, ang awareness campaign sa pamamagitan ng slogan na “FUN to be WISE on BPH”.

“24% of Filipino men aged 50-59 suffer from Benign Prostatic Hyperplasia (BPH) with at least moderate symptoms,” pahayag ni Dr. Jay Javier, GSK Medical Affairs for Urology.

BENIGN PROSTATIC HYPERPLASIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with