^

PSN Palaro

Lim mapapalaban na sa dating koponan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lim mapapalaban na sa dating koponan
Bubuksan ang umaatikabong aksiyon ng apat na koponang mag-uuna­hang makuha ang buena­manong panalo sa pa­ngunguna ng nagdedepensang San Beda University at season host University of Perpetual Help System Dalta sa alas-2 ng hapon.

Laro Ngayon

 (MOA Arena)

12nn. Opening Ceremony

2 p.m. San Beda vs Perpetual Help (Srs)

4 p.m. LPU vs SSC  (Srs)

MANILA, Philippines — Muling aarangkada ngayon araw ang bakbakan ng pinakamatitikas na collegiate stars sa pagsambulat ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bubuksan ang umaatikabong aksiyon ng apat na koponang mag-uuna­hang makuha ang buena­manong panalo sa pa­ngunguna ng nagdedepensang San Beda University at season host University of Perpetual Help System Dalta sa alas-2 ng hapon.

Masisilayan din ang duwelo ng Season 93 runner-up Lyceum of the Philippines University kontra naman sa San Sebastian College-Recoletos sa alas-4.

Isang simpleng opening ceremony ang inihanda ng Perpetual Help upang pormal na buksan ang edisyong ito ng liga.

Ngunit nakasentro ang atensiyon sa Red Lions na naghahangad ma­dugtungan ang kanilang dominasyon.

Solido pa rin ang San Beda dahil magbabalik ang ilang beteranong manlala­rong bahagi ng champion team noong nakaraang taon sa pangunguna nina Robert Bolick, Javee Mocon at Finals MVP Donald Tankoua.

Nasa tropa rin sina rookie Even Nelle, Clint Doliguez, Franz Abuda, Jose Mari Presbitero, AC Soberano, Ranbill Tongco, Jerimer Cabanag at Calvin Oftana.

Tanging sina Davon Potts at Cameroonian Ar­naud Germain Noah lamang ang nawala sa Lions.

Pinalitan si Noah ni Toba Eugene ng Nigeria.

Handa naman ang Perpetual Help na gawin ang lahat para makabalik sa Final Four.

Nagtapos lamang sa ikawalong puwesto ang Altas noong nakaraang taon tangan ang 4-14 card. 

Mamanduhan ang tropa ni Altas coach Frankie Lim na da­ting mentor ng San Beda.

FRANKIE LIM

NCAA SEASON 94 MEN’S BASKETBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with