^

PSN Palaro

4 teams bakbakan para sa buwenamano sa MPBL

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang aksiyon sa baguhang liga, sa paghaharap ngayon ng Imus Bandera laban sa Davao Occidental Tigers habang magtatagpo ang kapwa expansion teams Laguna Heroes at Zamboanga Valientes sa pagpapatuloy ng 2018 Mahar­lika Pilipinas Basketball League Anta Datu Cup sa Laguna Sports Complex.

Tiyak ang magandang laban sa pagtatagpo ng Imus Bandera at Davao Tigers sa alas-7 ng gabi habang inaasahan din ang dikit na laro sa pagitan ng mga baguhang Laguna Heroes at Zamboanga Valientes sa alas-9 ng gabi.

Pangungunahan ang Imus Bandera ni head coach Jerry Codiñera nina Elmer Mykiel Cabahug, Matthew Bernabe, John Escalambre, Paolo Pontejos, Chester Ian Melencio, Orly Daroya, Jomari Sollano, Wilson Baltazar, Francis Musayac at Jerwin Gaco.

Hindi rin magpapahuli si head coach Don Dulay ng Davao Tigers at itatapat nito sina Mario Leonida, James Regalado, Bonbong Custodio, Jerold Cabanog, Leo Najorda, Arnold Adormeo, Billy Robles at Mark Yee.

Samantala, sa pagbukas ng home and away league noong Martes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, nagwagi ang Anta Rajah Cup runner-up Muntinlupa Cagers laban sa paboritong Mandalu­yong El Tigre, 86-74  upang angkinin agad ang liderato.

Nasungkit naman ng Marikina Shoemakers ang 88-81 panalo kontra sa GenSan Warriors sa iba pang laro upang makisosyo sa Muntinlupa sa liderato sa parehong 1-0 card.

2018 MAHAR­LIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

DAVAO OCCIDENTAL TIGERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with