^

PSN Palaro

2 Pinoy boxers pasok sa q’finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pasok  agad sa quarterfinals ang dalawang miyembro ng national boxing team sa 2018 President’s Cup International Boxing Tournament na ginaganap sa Daulet Sports Complex sa Astana, Kazakhstan.

Masuwerteng nakakuha ng bye sina Rogen Ladon sa men’s flyweight (52 kg.) at Ramel Macado sa men’slight flyweight (46-49 kg.) para magaan na umusad sa quarters ng kani-kanilang dibisyon.

Susuntok si Ladon sa quarterfinals kontra sa mana­naig kina Al Kuandikov ng Kazakhstan at Tsuboi Tomoya ng Japan habang makakasagupa naman ni Macado si Erzhan Zhomart ng Kazakhstan na nakasiguro rin ng bye.

Unang sasalang para sa Pilipinas sina 2014 Incheon Asian Games silver medallist Charly Suarez at Caroline Calungsod sa torneong la­la­hukan ng 15 bansa.

Makakalaban ni Suarez sa first round si Hursand Imankuliyev ng Turkmenis­tan sa men’s lightweight (60 kg.) samantalang susuntok si Calungsod kontra kay Jitpong Jutamas ng Thailand sa opening round ng women’s 57 kg.

Humirit din ng opening bye si 2017 SEAG champion Marvin John Tupas kung saan lalarga ito sa second round sa mananalo kina Nurmagambet Bi ng Kazakhstan at Chen Da­xiang ng China.

2018 PRESIDENT’S CUP INTERNATIONAL BOXING TOURNAMENT

NATIONAL BOXING TEAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
10 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with