^

PSN Palaro

PH pasok sa q’finals ng Street Child World Cup

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
PH pasok sa q’finals ng Street Child World Cup
Nagdiwang ang koponan ng Philippines’ Payatasbased girls team makaraang pumasok sa quarterfinals ng Street Child World Cup.

MANILA, Philippines — Nagwagi ang Philippines’ Payatas-based all girls team kontra sa India, 6-0 para tumuntong sa liderato ng Group C sa 2018 Street Child World Cup na ginanap sa Moscow, Russia.

Dahil sa kanilang panalo, pumasok ang Pinay team sa quarterfinal round laban sa Mauritius sa Linggo (Manila time).

“The competition will only get tougher at this point, but our girls will surely deliver their best performance and make us all proud,” ani team manager Roy Moore.

Sinabi pa ni Moore na ang quarterfinals match ay makikita livestreamed sa kanilang Facebook sa Linggo ng hapon (Moscow time).

Nauna rito, tumabla ang Team Philippines laban sa malakas na England, 1-1. Inunahan ng mga Filipina Booters ang England sa free kick goal ngunit bumawi ang England para maitabla ang laban sa second half.

Malaki ang tuwa ng mga Filipino expatriats na nanood sa laro sa panalo ng koponan laban sa India at pangunahan ang Group C standing.

2018 STREET CHILD WORLD CUP

GIRLS TEAM

PAYATAS-BASED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with