Celtics inakay ni Tatum sa East Finals
Rematch vs Cavs ikinasa
BOSTON — Nasapo ni Jayson Tatum ang isang pasa sa ilalim ng basket para sa kanyang go-ahead layup sa huling 23 segundo at tulungan ang Celtics na sibakin ang Philadelphia 76ers, 114-112 sa Game Five ng kanilang semifinals series.
Winakasan ng Boston ang kanilang semifinals showdown ng Philadelphia sa 4-1 para umabante sa Eastern Conference finals katapat si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers, winalis ang Toronto Raptors, 4-0 sa second round.
Nakatakda ang Game One sa Lunes (Manila time) sa Boston.
“When you get here, you’re flattered by the thought of the Boston Celtics,” sabi ni coach Brad Stevens. “You realize if you’re going to break records here, you’re going to break bad ones. Because none of the good ones are reachable.”
Tumapos si Tatum na may 25 points habang nagdagdag sina Jaylen Brown at Terry Rozier ng 24 at 17 markers, ayon sa pagkakasunod para sa Celtics.
Ang krusyal na turnover naman ni center Joel Embiid sa dulo ng laro ang tuluyan nang nagpaguho sa tsansa ng 76ers, napigilan ang sweep sa kanila matapos manalo sa Game Four sa Philadelphia.
Nag-ambag si Al Horford ng 15 points at 8 rebounds para sa Boston, muling lalabanan ang Cleveland sa ikalawang sunod na taon para sa tiket sa NBA finals.
Humakot si Embiid ng 27 points at 12 rebounds sa panig ng 76ers, naipanalo ang 20 sa huling 21 larobago sila tinalo ng tatlong beses ng Celtics sa East semifinals.
Nagtala naman si Dario Saric ng 27 points at 10 rebounds, samantalang kumolekta si Ben Simmons ng 18 points, 8 rebounds at 6 assists para sa Philadelphia.
Nagkaroon si Embiid ng pagkakataong maitabla ang 76ers matapos ang nasabing basket ni Tatum na nagbigay sa Celtics ng 111-109 abante.
Subalit naimintis niya ang isang mahalagang layup, ang sariling tip in.
Nang mahablot niya ang rebound ay tinapik ito ni Rozier na tumama sa binti ng sentro palabas sa huling 10.8 segundo ng laban.
Isinalpak ni Rozier ang dalawang free throws para ibigay sa Boston ang 113-109 bentahe kasunod ang triple ni J.J. Reddick na nagdikit sa Philadelphia sa 112-113.
- Latest